Tuesday, January 11, 2011

Ilan ang napasakin?

Hindi lahat ng hihilingin mapapasaiyo, tama ba ako?
Noong nakaraang pasko, nagsulat ako ng mga "wish list" ko gusto ko kayong balitaan kung anu-ano ang napasakin :)

1.) Huggable teddy - di naman sya huggable kundi palawit na bear sa cellphone :D


2.) Nokia C3 - Yehey! Meron na ako nian, nakabili ako sa Market Market Nokia Store last December 24, 2010, binalot ko pa talaga yun para my bubuksan ako sa Christmas Eve :D


3.) Hotdog Pillow - sa kasamaang palad walang nagbigay :'(


4.) Bag Holder - wala din ako neto


5.) Dress - nakabili naman ako ng isa pero before New Year's Eve na :P


6.) Shoes - meron din ako at tsinelas sa loob ng kwarto :)


7.) Coffee Mug - kahit sana di na starbucks, pero wala akong natanggap



8.) Planner - meron! gift ni irene, pero di starbucks :D
                         Image to follow :)

9.) Lucky Charm - positive! money bracelet gift ng housemate ko na si Ate Amisha ;)


10.) Boifren - on the process pa lang.. hahaha :))



Sampu lang naman iyong sinulat ko dito sa listahan ng mga hiling,
Kaya kung susumahin ilan ang napasakin? :P


---------------------------
credits to the owner of the smiley emiticons

Monday, January 10, 2011

Anong Nangyari?

I'm back! medyo mahaba haba ang niliban ko sa klase.
Hay, mga isang buwan din siguro yon...
Sarap magpahinga, sarap magbakasyon...
So ano na? anong nangyari?
Tapos na ang 2010, naging makabuluhan sakin ang taon na iyon..
Mas dumami iyong mga naging kakilala at kaibigan ko,
mas nahubog ang aking pagkatao, mas lumawak ang aking pag-iisip...
sumali ako sa mga ibat ibang grupo..

Mga grupo ng personalidad na sobrang nakaimpluwensya sakin:

Pamilya sa Paglilingkod sa Diyos





Ang Legionaries Group "Legion of Mary (Help of Christian)"
Lahat ng aking mga galaw at lahat ng aking ginagawa ay para lamang kay Hesus
Dahil sa mga pangkat na taong ito, mas napalapit lalo ako kay Hesus..
Hindi sapat ang pag darasal lamang, ang tunay na pagmamahal ay sa ngalan ng paglilingkod..
Pagbisita sa mga nasa kulungan, nasa hospital, pag tuturo at pagpapakilala sa mga bata si Hesus,
Paghahatid ng magandang balita sa ibang tao, yan ang aming gawain sa simbahan..

Pamilya sa Larangan ng Negosyo

 

Sila ang aking NU Family, isa sa aking mga inspirasyon, kung papano mabuhay ng malaya,
Nakita ko sa kanila ang tunay na determinasyon na likas kong hinangaan at patuloy na nagbibigay sakin ng pagsubok..

Pamilya sa Trabaho

 

Mga ibat ibang personalidad na aking nakakasalamuha,
minsan, di ko rin maaalis na nagkakaroon ng konting mga hindi pagkakaunawaan,
nakakasakit din ng damdamin ng ibang tao na lubhang natututo ako..

Pamilya sa bago kong tirahan



Sila ang aking pamilya, malayo sa aking tahanan..
Nagpapasaya sakin pagdating ko sa bahay,
Bubungad ang mga ngiti sa bawat labi at mga pagbulalas ng "kamusta ka?" ay lubhang mapapangiti ka..
Kahit stress ang buong araw, andyan sila upang magpatawa..
Sobrang saya ng madaming kakilala, kahit san ka magpunta andyan sila.

Pamilya sa Dugo at Laman



Pangunahing personalidad na aking pinapahalagahan at patuloy kong poprotektahan..

Sa kanila umikot ang taong 2010 ko.. Salamat sa inyo :)